^
Sinovac inirekomenda nang gamitin sa health workers
Ito ang inanunsyo ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang emergency use authorization ng Food and Drug Administration (FDA) ay nagsasabing ligtas ang bakuna.
AFP/Wang Zhao

Sinovac inirekomenda nang gamitin sa health workers

Danilo Garcia (Pang-masa) - February 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sumang-ayon na ang National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) na irekomenda ang COVID-19 vaccine ng China’s Sinovac Biotech para sa health workers.

Ito ang inanunsyo ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang emergency use authorization ng Food and Drug Administration (FDA) ay nagsasabing ligtas ang bakuna.

“Our NITAG experts with the TAG (Technical Advisory Group) experts have concluded that the vaccine will be beneficial for the healthcare workers,” lahad pa nito.

Una nang sinabi ng ahensya na nasa mababang 50.4 porsyento lamang na epektibo ang Sinovac vaccine kapag ginamit sa grupo ng mga health workers na lantad sa panganib ng virus.

Ngunit makaraan ang mga pag-aaral ng NITAG sa mga datos sa mga hindi nalathalang trials, iginiit nila na ligtas at mabisa ang naturang bakuna kahit na sa mga health wor­kers pa ito iturok.

SINOVAC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with