^

P1 milyong shabu nasabat sa tanod, hipag

Doris Franche (Pang-masa) - February 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bagsak sa kulungan ang isang barangay tanod at kanyang hipag matapos makumpiskahan ng higit sa P1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa.

Kinilala ang mga na­arestong suspek na sina Mark John Melejor, 28, barangay tanod ng Aries St., at hipag nitong si Kathrice Leongson, 31, ng Blk 34 Taurus St., kapwa ng Brgy. San Roque.

Sa report, alas-9:00 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy-bust ope­ration sa Taurus St., Brgy. San Roque na kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makapagtransaksyon ng P1,000 halaga ng shabu sa mga suspek.

Nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur-buyer ay agad dinakma ng mga operatiba ang mga suspek na nakumpiskahan ng nasa 147.6 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang brown paper bag na may standard drug price na P1,003,680.00 ang halaga, at buy-bust money.

Nabatid pa na ang asawa ni Leongson ay kasalukuyang nakakulong matapos maaresto kamakailan ng mga Navotas police sa isang drug operation na naging dahilan upang ipagpatuloy nito ang illegal drug trade ng mister kasama ang kanyang bayaw.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with