^
Drug syndicate nasa likod ng misencounter ng PDEA at pulis
Nangangalap ng ebidensiya ang mga imbestigador at sinisiyasat ang mga patay sa loob ng isang van matapos ang umano’y misencounter ng mga operatiba ng pulisya at PDEA sa isang fastfood chain sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Miguel De Guzman

Drug syndicate nasa likod ng misencounter ng PDEA at pulis

Doris Franche (Pang-masa) - February 26, 2021 - 12:00am

4 patay, 3 sugatan…

MANILA, Philippines — Itinuro ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Wilkins Villanueva na ang mga drug syndicate ang kumilos kaya naganap ang “misencounter” na ikinasawi ng dalawang pulis, isang agent at isang ci­vilian informant ng PDEA.

Ayon kay Villanueva, titignan nila ang anggulo ng pananabotahe, napaglaruan ng sindikato o kapabayaan kaya naganap ang barilan.

Bubuo naman ng technical working group ang Philippine National Police (PNP) na mag-iimbestiga sa “essential issues” na iginiit ni Justice Secretary Menardo Guevarra tungkol sa anti-drug operations.

Ang pagbuo ng technical working group makaraang sabihin ni Guevarra sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) na bigo ang government panel na sumunod sa rules of engagement at protocol tuwing may anti-drug ­operations.

Magugunita na kamakalawa ng hapon ay nauwi sa  misencounter ang isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng District Special ­Operations Group (DSOU) at  PDEA agents sa par­king area ng isang fastfood chain sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Dito ay nasawi ang dalawang pulis na sina PCpl Lauro de Guzman at PCpl Galvin Eric Garado, habang isa sa PDEA at kanilang impormante.

Isa rin naman ang nasugatan sa panig ng QCPD na nakilalang si PLt Ronnie Ereno at dalawa sa panig ng PDEA, na di pa rin batid ang pagkakakilanlan.Isa rin naman ang nasugatan sa panig ng QCPD na nakilalang si PLt Ronnie Ereno at dalawa sa panig ng PDEA, na di pa rin batid ang pagkaka­kilanlan.

Bago ito ay magsasagawa umano ng buy-bust operation ang mga tauhan ng DSOU, sa pangunguna ni PMAJ Sandie Caparroso at 16 pa niyang mga tauhan sa lugar, ngunit nagkataong may operasyon din doon ang may 20 tauhan ng PDEA kaya’t nauwi sa misencounter. - Mer Layson

PDEA PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with