^
10 bansa nabili na ang 75% suplay ng bakuna â Duterte
“Magkaintindihan na lang tayo na itong problema, atin lahat. How many countries? Ilan pa lang ang mayroon, again 75% nandiyan lang sa sampu, ang iba pati tayo wala,” ayon kay Pangulong Duterte.
AFP/Johannes Eisele, file

10 bansa nabili na ang 75% suplay ng bakuna — Duterte

Malou Escudero (Pang-masa) - February 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na 75% ng global supply ng COVID-19 vaccines ang nabili na ng 10 bansa.

“Magkaintindihan na lang tayo na itong problema, atin lahat. How many countries? Ilan pa lang ang mayroon, again 75% nandiyan lang sa sampu, ang iba pati tayo wala,” ayon kay Pangulong Duterte.

“Canada nga na kapitbahay ng America, nagdadamutan pa sila. Kino-corner talaga ng America ngayon kasi they have… 332 million (people),” dagdag na pahayag nito.

Pinayuhan ng Chief Executive ang publiko na  maghintay at sundin lamang ang mga tagubilin ng pamahalaan. Sa ulat, mahigit 200 million coronavirus vaccine doses na ang na-administer sa 107 bansa at teritoryo.

Tinatayang may 45% ng pagbabakuna ang ginawa na sa mga bansang nabibilang sa mayayamang “G7 club” gaya ng Estados Unidos, Canada, Britain, Germany, France, Italy at Japan.

Samantala, 92% ng doses sa buong mundo ay ibinigay naman sa mga bansang inuri o ibinukod ng World Bank bilang “high-income” o “upper-middle income”.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with