^
Duterte sa mga mamamayan: Magdasal tayo!
Ito ang payo ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil tanging ang Diyos lamang ang maaaring makapagligtas ng mundo kaya dapat dagdagan pa ng mga mamamayan ang pagdarasal.
King Rodriguez/PPD, file

Duterte sa mga mamamayan: Magdasal tayo!

Malou Escudero (Pang-masa) - February 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Dapat dagdagan pa ng mga mamamayan ang pagdarasal.”

Ito ang payo ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil tanging ang Diyos lamang ang maaaring makapagligtas ng mundo kaya dapat dagdagan pa ng mga mamamayan ang pagdarasal.

Sinabi ng Pangulo, patuloy ang pagdating ng iba’t ibang problema at kung may maipapayo siya sa lahat, ito ay ang pagdarasal.

“So many things really coming our way, problems. But if you want to have an advice, if you are ready to get one, there is only one thing really that can save this planet, it’s God. Maybe we should pray more, whatever the God,” ani Duterte.

Sinabi pa ng Pangulo na mayroon siyang sari­ling Diyos katulad din ng ibang tao.

“Ako, I have my own God. Of course, I have the same God with everybody. Iyong God ng Moro, ng Muslim, assalamu alaikum sa inyo,” ani Duterte.

Binanggit din ng Pa­ngulo na nagiging mapanira na ang mga bagyo na halos buwan-buwan dumarating.

Dapat aniyang pasalamatan ang Diyos dahil hindi nanalanta sa Mindanao at sa Davao ang Bagyong Auring.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with