^

Sa UK at Germany… Pinoy nars palit-bakuna alok ng DOLE

Danilo Garcia (Pang-masa) - February 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpanukala ang Department of Labor and Employment (DOLE) at inalok ang United Kingdom at Germany na magpapadala ang Pilipinas ng libong health care wor­kers para doon magtrabaho kung papayag ang mga ito na magbigay ng coronavirus vaccines.

Ito ang sinabi, kamakalawa ni Alice Visperas, director ng international affairs bureau ng DOLE dahil kahit niluwagan na ng Pilipinas ang pagpapadala ng healthcare workers sa ibang bansa ay nililimitahan pa rin sa 5,000 kada-taon ang pinaaalis na medical professionals sa gitna ng pandemya.

Pumalag naman ang grupong Filipino Nurses United (FNU) sa panukala ng DOLE na tila tinuturing silang produktong pwedeng ipadala na lang sa ibang bansa kapalit ng pagbibigay ng suplay ng COVID-19 vaccine.

Ayon naman kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, wala rin silang impormasyon tungkol sa nasabing usapin at dapat idulog sa IATF kung sakaling may ganitong proposal o plano na kailangang gawin dahil sa vaccines.

Sinabi naman ni UK Ambassador Daniel Pruce sa isang virtual chat na walang balak pumasok sa alok ng pamahalaan ng Pilipinas ang gobyerno ng United Kingdom at kinumpirma na nakipagpulong siya kay Labor Secretary Silvestre Bello III para sa nasabing alok ng Pilipinas.

Una nang iniulat na wala ring planong maki­pagkasundo ang health ministry ng Britanya sa nasabing alok.

Ang mga nars ay kabilang sa milyong Pinoy workers abroad kung saan nakapag-aambag ito ng $30 bilyon na padala kada-taon.

COVID-19 VACCINE DOLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with