^

95 households tinamaan ng COVID-19 sa Pasay

Ludy Bermudo (Pang-masa) - February 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 95 kabahayan sa Pasay City ang tinamaan ng COVID-19 dahil sa 55 barangay ang naapektuhan ng virus kaya’t isinailalim sa loca­lized enhanced community quarantine (LECQ)  ang lungsod.

Batay sa Pasay City Epidemiology and Surveiilance Unit (CESU), sa 95 kabahayaan, pawang magkakasama sa bahay ang nagkahawaan.

Ang Pasay City ay binubuo ng 201 barangays, sa loob, 20 zona at 2 distrito.

Mula sa 34 barangay noong Martes, itinaas na sa 55 barangay ang isinailalim sa LECQ na ibinatay sa 3 bilang ng kaso pataas.

Sa Barangay183, halimbawa ay  may 25 kaso na nasa 12-13 pa­milya na  halos magkakamag-anak ang pawang inilipat na sa isolation facility. Dalawa naman ang naka-home quarantine na isang senior citizen at isang buntis.

Kabilang din sa nagpositibo ang isang 4-buwang gulang na sanggol at ina nito na asymptomatic naman.

Inaasahan naman ang pagdami ng kaso dahil sa patuloy na natutukoy ang mga close contacts ng mga tinamaan na umaabot sa third generation.

Nagpadala na rin ng samples sa Philippine Genome Center upang malaman kung ang mabilis na hawaan ay dulot ng bagong variant.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with