^

1 pang pulis-Maynila dinukot

Danilo Garcia (Pang-masa) - February 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isa na namang pulis-Maynila ang dinukot ng isang armadong grupo ng mga lalaki, kahapon ng umaga sa Sta. Mesa, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Patrolman Real Lopez Tesoro, 41, residente ng 3374 Alley St., Barangay 601, Sta. Mesa.

Sa salaysay ng kinakasama ng biktima na si Mary Ann Gervacio, 31, alas-10:05 ng umaga ay sakay sila ng kanilang kotse nang harangin ng isang itim na SUV (sports utility vehicle).

Apat na armadong lalaki at isang babae ang sapilitang nagsakay sa biktima sa SUV saka humarurot sa pagtakas.

Magugunita na unang dinukot noong Pebrero 18 si PCpl Allan Hilario ng Meisic Police Station 11 na hanggang ngayon ay wala pa ring impormasyon ang kinaroroonan nito at kung sino ang dumukot sa kanya.

KIDNAPPED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with