^
4 months old baby sa Pasay positibo sa COVID-19
Sinabi ng nurse na si Mark Anthony Ejercito Castillo, nakatalaga sa City Disaster Risk Reduction and Management Office, na siyang unang rumes­ponde nang malaman nila na positibo sa Co­vid-19 ang bata, na inilipat na nila sa MOA Quarantine Faci­lity kasama ang kanyang 23-anyos na ina.
Image by Christian Abella from Pixabay

4 months old baby sa Pasay positibo sa COVID-19

Danilo Garcia (Pang-masa) - February 24, 2021 - 12:00am

55 barangay naka-lockdown…

MANILA, Philippines — Isang apat na buwang gulang na sanggol na natuklasan ng Pasay City Health Office na positibo sa COVID-19.

Sinabi ng nurse na si Mark Anthony Ejercito Castillo, nakatalaga sa City Disaster Risk Reduction and Management Office, na siyang unang rumes­ponde nang malaman nila na positibo sa Co­vid-19 ang bata, na inilipat na nila sa MOA Quarantine Faci­lity kasama ang kanyang 23-anyos na ina.

Hinala nila na nakuha ng bata ang virus sa kaniyang ina dahil madalas silang magkasama at dahil na rin sa pagpapadede.

Samantala, nagpapasaklolo na sa Department of Health (DOH) ang lokal na pamahalaan makaraang umakyat na sa 55 ang bilang ng barangay na naka-lockdown at pinangangambahan din na posibleng UK variant ng COVID-19 ang kumakalat.

Kaya hiniling ni Mico Llorca, officer-in-charge ng Pasay City Epidemio­logy and Surveillance Unit na isailalim sa “genome sequencing” ang mga samples sa siyudad para makumpirma kung anong variant ng COVID-19 ang tumama sa kanila dahil sa hindi pang­karaniwang hawahan.

Umakyat na sa 395 ang active cases sa lungsod kung saan 66 sa mga kaso ay magkakasama sa bahay. Kabilang na dito ang isang ina at kaniyang sanggol na pinakabagong mga kaso sa lungsod.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with