^
3 pulis-Maynila dinakip sa pagpatay sa isang Koreano
Kinilala ni Manila Police District (MPD) Director PBGen Leo Francisco ang mga inaresto na sina PCpl Darwin Castillo, PSSG Carl Legazpi at PCpl Samruss Inoc, pawang nakatalaga sa Roxas Boulevard Police Community Precinct (PCP) ng Malate Police Station 9 (PS-9).
File

3 pulis-Maynila dinakip sa pagpatay sa isang Koreano

Danilo Garcia (Pang-masa) - February 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong pulis-Maynila ang inaresto ng kanilang mga kabaro matapos na isangkot sa pagpatay sa isang Korean national sa Valenzuela City, kamakailan.

Kinilala ni Manila Police District (MPD) Director PBGen Leo Francisco ang mga inaresto na sina PCpl Darwin Castillo, PSSG Carl Legazpi at PCpl Samruss Inoc, pawang nakatalaga sa Roxas Boulevard Police Community Precinct (PCP) ng Malate Police Station 9 (PS-9).

Sila ay isinasangkot sa umano’y pagpatay sa Korean National na si Sunuk Nam, 55, na natagpuang wala nang buhay sa isang bakanteng lote sa tapat ng St. Angelus Cemetery, Purok 4,  Area 6, G. Marcelo St., Maysan, Valenzuela City, alas-7:00 ng umaga noong Pebrero 15, 2021.

Sa ulat, nakipag-ug­nayan ang Valenzuela City Police Station at Northern Police District (NPD)-Special Investigation Task Group (SITG) tracker team, kay MPD-PS 9 chief, PLTCOL Cristito Acohon, para sa isasagawang hot pursuit operation laban sa tatlo matapos na makaaresto ang Valenzuela City Police ng walo pang suspek sa kaso.

Ikinustodiya ni Acohon si Inoc na naabutan sa Roxas Blvd. PCP, habang si Castillo naman ay naaresto sa Quarantine Control Point (QCP) sa Baywalk, Roxas Boulevard. Habang naka-duty naman si Legazpi bilang security team member na idineploy sa Mendiola St. sa isang rally nang  arestuhin. Inihahanda na rin ang pagsasampa ng kaso laban sa kanila.

POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with