^

UK COVID-19 variant kalat na sa 6 rehiyon

Danilo Garcia (Pang-masa) - February 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health (DOH) na umabot na sa anim na rehiyon sa bansa ang United Kingdom variant ng CO­VID-19 makaraang isailalim sa ‘genome sequencing’ ang mga samples ng mga pasyente.

Ito ay ang Cordillera Administrative Region (CAR), National Capital Region (NCR), Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), Central Visayas, Northern Mindanao, at Davao Region.

Iginiit naman ni DOH Secretary Francisco Duque III, kulang pa ito para makumpirmang may community transmission na ng UK variant sa bansa.

Anya, hindi pa rin umano maaaring maiugnay sa mas nakakahawang UK variant ang pagtaas ng COVID-19 cases sa ilang lungsod sa NCR.

Nagpapatuloy pa rin sa pagsusuri ng mga samples ang Philippine Genome Center (PGC) at Research Institute for Tropical Medicine (RITM) upang makakuha ng dagdag na mga impormasyon sa lawak na narating ng natu­rang variant.

Matatandaang noong Linggo ay 18 bagong kaso ng UK variant ang naitala ng DOH sa Pilipinas at sa mga bagong kaso, 13 ang returning overseas Filipino na dumating mula Enero 3 hanggang 27.

Bukod dito, mayroon ring tatlong kaso na nakumpirmang may mutation na N501Y at E484K, na pawang mga taga-Central Visayas. Nakatakdang ipadala ng DOH ang samples ng bagong mutation sa World Health Organization (WHO) para magsagawa ng kanilang sariling pagsusuri.

COVID-19 VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with