^

PNP, Army nagsanib vs 9 Jolo pulis

Doris Franche (Pang-masa) - February 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang masakote ang siyam na pulis-Jolo na sangkot sa pagbaril at pagpatay sa apat na sundalo noong nakalipas na taon ay nagpatulong na ang  Philippine National Police sa Philippine Army sa malawakang manhunt operation.

Ang siyam na pulis na pinaghahanap ay  kinabi­bilangan nina Senior M/Sgt. Abdelzhimar Padjiri; M/Sgt. Hanie Baddiri; S/Sgt. Iskandar Susulan; S/Sgt. Ernisar Sappal; Cpl. Sulki Andaki; Pat. Moh Nur Pasani; S/Sgt. Almudzrin Hadjaruddin; Pat. Alkajal Mandangan; at Pat. Rajiv Putalan na sinampahan ng four counts ng murder at plan­ting of evidence.

Ang mga ito ay sinasabing responsable sa pagkamatay ng mga intelligence operatives noong Hunyo 20, 2020 na kinabibilangan nina Maj. Marvin A. Indammog, 39; Capt. Irwin B. Managuelod, 33; Sgt. Jaime M. Velasco, 38, at Cpl. Abdal Asula, 33.

Sinabi ni Sinas na pa­tuloy ang kanilang pakikipagdayalogo sa mga suspek, subalit hindi pa desidido ang mga ito sa kanilang pagsuko kaya nagbigay na rin sila ng  kopya ng  arrest warrant sa  PA at National Bureau of Investigation (NBI).

Aniya, kung patuloy ang mga suspek sa kanilang pagtatago, pa­tuloy din ang manhunt operation at hindi niya magagarantiyahan ang kanilang seguridad habang nagtatago sa batas.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with