^

9 misis na suicide bombers arestado sa Sulu

Doris Franche (Pang-masa) - February 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga otoridad sa magkahiwalay na operasyon sa Sulu ang siyam na babae na hinihinalang suicide bombers.

Kinilala ang mga na­arestong suicide bombers na sina Isara Jalmaani Abduhajan, 36; Jedah Abduhajan Amin, 28; Elena Tasum Sawadjaan-Abun, 40; Firdauzia Salvin; Nudsza Ismanu Aslun; Nurshahada A. Isnain; Linda Darun Maruji; Risa Jhalil, at Sharifa Rajani.

Batay sa Joint Task Force Sulu na sina Isara; Jedah na naaresto noong Pebrero 19 at Elena ay mga anak ng Abu Sayyaf Group leader na si Hatib Hajan Sawadjaan.

Si Elena ay asawa ni ASG sub-leader Walid Abun at si Firdauzia ay asawa ni ASG sub-leader Mannul Said na naaresto sa Kalimayahan Village.

Habang sina Nudsza, asawa ni ASG member Alias Jabar at Nurshahada ay asawa ni ASG member Alias Akram na pinagkakatiwalaan ni ASG sub-leader Mundi Sawadjaan.

Nakumpiska sa mga suspek ang iba’t ibang mga pagpasabog.

Matatandaan nitong nakaraang taon, nagkaroon ng pagsabog sa Jolo dahil sa dalawang babaeng suicide bombers kung saan 15 ang nasawi at dosena ang nasugatan. - Rhoderick Beñez

SUICIDE BOMBERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with