^
Sinovac âdi ideal iturok sa health workers at seniors
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ito ay kasabay nang pagkumpirma na naaprubahan na ang emergency use authorization ng Sinovac para gamitin sa Pilipinas ang kanilang bakuna laban sa COVID-19.
AFP/Noel Celis

Sinovac ‘di ideal iturok sa health workers at seniors

Ludy Bermudo (Pang-masa) - February 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ng Food and Drug Administration (FDA) na hindi irerekomenda na iturok sa health workers at seniors ang COVID-19 vaccine na Sinovac dahil sa  mas mababang efficacy rate nito.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ito ay kasabay nang pagkumpirma na naaprubahan na ang emergency use authorization ng Sinovac para gamitin sa Pilipinas ang kanilang bakuna laban sa COVID-19.

“It has a lower efficacy rate of 50.4% when used on health care workers exposed to COVID-19. Therefore, it is not recommended for use in this group,” aniya sa isinagawang Laging Handa public briefing nitong Lunes.

Inaasahang darating  sa bansa ngayong araw ang donasyong 600,000 vaccine doses mula sa China, subalit maaa­ring ma-delay ito dahil kahapon lang nabigyan ng EUA.

Ang health workers at ang mga senior citizen ang top priority na mabakunahan, alinsunod sa inilatag na vaccination program ng pamahalaan.

Paliwanag ni Domingo, hindi ‘best vaccine’ ang nasabing produkto na may mas mababang efficacy rate dahil ang medical frontliners ay exposed sa mga pasyenteng may COVID-19.

Ang efficacy rate na 50.4% ay batay sa isina­gawang clinical trials sa Brazil, 65% sa Indonesia at 91.25% sa Turkey.

“Mas mabuti naman po ‘yun kaysa sa wala pero ang rekomendasyon ng ating mga expert ay hindi ito ‘yung pinakamagandang bakuna para sa kanila,” ani Domingo.

Maaari umanong gamitin ang Sinovac sa mga ‘clinically healthy individuals’ na may edad 18 hanggang 59-anyos. - Malou Escudero

Related video:

FDA SINOVAC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with