^

Convicted carjacker Raymond Dominguez natagpuang patay sa selda

Ludy Bermudo (Pang-masa) - February 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isa nang malamig na bangkay nang matagpuan kahapon sa loob ng Maximum Security Command ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang convicted carjacker na si Raymond Dominguez.

Ito ang inihayag ni Bureau of Corrections (BuCor) spokesperson Gabriel Chaclag at isasailalim sa otopsiya ang bangkay upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito bagama’t naniniwala siyang wala silang nakikitang foul play sa kaso.

Sa ulat, alas 6:20 ng umaga nang madiskubre ng mga inmates sa nasabing compound na hindi na gumagalaw at wala ng pulso si Dominguez.

 Ayon pa kay Chaclag na gigisingin sana si Dominguez kaya siya pinuntahan ng kapwa inmates sa kubol nito kahapon ng umaga dahil sa iskedyul niya sa NBP Hospital para sa blood chemistry dahil sa nararanasang hypertension.

May findings din na may asthma si Dominguez bukod pa sa erectile dysfunction dahil diabetic umano ito.

Bukod dito ay dalawang beses din aniyang, tinamaan ng COVID-19 si Dominguez na nailipat pa sa Site Harry isolation area na naka-survive naman sa virus.

 Hindi naman naniniwala ang misis ni Raymond na si May Dominguez, na natural death ang dahilan ng pagkamatay ng mister dahil nakausap pa niya ito kamakalawa ng gabi na tila nagpapaalam na.

Magugunita na una nang pumutok ang balita na patay na si Dominguez noong Hunyo 26, 2020, subalit itinanggi ito ni Justice Secretary Menardo Guevarra at ipinaliwanag na inaatake ng chronic asthma kaya nailipat sa Site Harry.

Si Dominguez ay nahatulan noong April 2012 ng 17-30 taong pagkabilanggo ng Malolos Regional Trial Court (RTC) Branch 84 Judge Wilfredo Nieves sa carjacking sa Toyota Fortuner ng isang Danilo Escoto.

Bukod pa rito, ang grupo umano ni Dominguez ang itinuturong nasa likod ng pagpatay at panununog sa bangkay ng car dealer na si Venson Evangelista, anak ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) President Boy Evangelista noong Enero 2011 na pinabulaanan naman nito.

NEW BILIBID PRISON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with