^

Pulis-Maynila dinukot ng mga armadong lalaki

Danilo Garcia (Pang-masa) - February 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang masusing imbes­tigasyon at follow-up ope­ration ang isinasagawa ng Manila Police District (MPD) upang matukoy ang kinaroroonan ng isa nilang tauhan na dinukot ng mga armadong lalaki sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinumpirma ni MPD Director PBGen Leo Francisco ang pagdukot kay PCpl Allan Hilario, nasa hustong gulang, at nakatalaga sa police assistance desk sa Meisic Police Station 11 (PS-11) makaraang dumulog ang pamilya sa naganap na pagdukot sa pulis.

Sa ulat ng San Nicolas Police Community Precinct (PCP), bago naganap ang pagdukot, alas-2:05 ng hapon sa panulukan ng San Fernando St. at Sto. Cristo St., Binondo ay nakasakay ang pulis sa nakaparada niyang kotse sa may Sto. Cristo Pads, nang duma­ting ang limang suspek na lulan ng puting Isuzu Crosswind (XYF -188) at maroon na Honda City (NCV -9054) ay tinutukan ng baril ang biktima at sapilitang pinababa ng kotse saka pinapasok sa kanilang sasakyan.

Agad na humarurot ang sasakyan ng mga suspek patungo sa direksyon ng Jabonero Street sa Binondo.

Bigo ang mga testigo na mamukhaan ang mga suspek na nakasuot ng mga itim na bonnet, itim na jacket, itim na pantalon, itim na gloves at sapatos.

Kabilang sa imbestigasyon na isinasagawa ay kung may kinakaharap na kaso ang pulis o may nakabanggang mabigat na grupo sa kaniyang trabaho.

Tinutukoy na rin sa Land Transportation Office (LTO) kung kanino naka­rehistro ang mga sasak­yang ginamit sa pagdukot sa pulis.

KIDNAPPED MANILA POLICE DISTRICT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with