^

Police Metro

Mga tarpolina ng ‘Run Sara Run’, nagkalat sa Metro Manila

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagkalat ang mga banner at tarpaulin sa iba’t ibang lansangan sa Metro Manila na humihikayat kay Davao City Mayor Sara Duterte na kumandidatong Pangulo ng bansa sa 2022 Presidential election.

Sa kahabaan ng Edsa kanto ng East Avenue sa Quezon City, makikita sa mga footbridge ang tar­paulin na may nakasulat na “Run Sara Run” na ikinabit ng mga nagpakila­lang grupo na RSR NCR.

Meron din sa footbridge ng Quezon Avenue kanto ng Delta, Quezon Avenue, kanto ng Capitol Medical­ Center, Edsa Cubao at Tutuban Center sa Maynila.

Bagama’t, una nang si­nabi ng alkalde na hindi siya kakandidato sa 2022 elections, positibo pa rin ang pananaw ng RSR NCR na tutugon si Mayor Sara Duterte sa lumalakas na panawagang tanggapin nito ang hamon na tumakbong Pangulo kapalit ng kanyang ama.

Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay nauna na ring nagsabing ayaw niya kumandidato ang kan­yang anak dahil hindi pambabae ang tungkuling Presidente.

Bukod sa NCR, nagkalat na rin sa Bulacan, Rizal, Pangasinan, Cavite, Leyte, Cebu, Iloilo, Davao City, Cagayan de Oro, General Santos City ang mga kaparehong banner at tarpaulin na humihikayat sa alkalde.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with