^
21 menor na sinasanay bilang child warrior nasagip
Ito ang inihayag ni PNP Chief Gen. Debold Sinas na isang indikasyon umano ito na tuloy-tuloy ang pagsasanay ng CPP-NPA ng mga child warriors na malinaw na paglabag sa International Humanitarian Law.
PIO NCRO via Facebook

21 menor na sinasanay bilang child warrior nasagip

Doris Franche (Pang-masa) - February 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasagip kahapon ng umaga ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Phi­lippines  (AFP) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasa 21 menor de edad na sumasailalim sa “revolutionary training” sa University of San Carlos Retreat House Talamban Campus sa Talamban, Cebu City.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Gen. Debold Sinas na isang indikasyon umano ito na tuloy-tuloy ang pagsasanay ng CPP-NPA ng mga child warriors na malinaw na paglabag sa International Humanitarian Law.

Ayon kay Sinas, ang mga kabataan ay nangga­ling sa NPA-front Salugpungan School  sa Talaingod, Davao del Norte na isinara ng DepEd noong 2019 at dinala sa Cebu ng walang paalam sa mga magulang ng mga ito.

Inilunsad ang rescue operation matapos na humingi ng tulong ang mga magulang ng mga bata sa mga otoridad para mahanap ang kanilang mga anak na dalawang taon nang nawawala.

Inamin ng ilan sa mga kabataan na sila ay sinasanay sa pagiging military ng kanilang mga “hand­lers.”

Naaresto naman sa operasyon ang anim na indibidwal na nagtuturo sa mga bata.

Nahaharap ang mga ito sa kasong illegal detention, human traffic­king, at paglabag sa RA 9851 (IHL Act) at RA 11188 (Special Protection of Children in Situations of Armed Conflict).

AFP PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with