_pang-masa
^

Police Metro

Gobyerno bibili ng 15 Black Hawk helicopters

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos na mamatay ang pitong katao sa Air Force chopper crashed sa Bukidnon noong nakaraang buwan ay ina­prubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbili ng 15 Black Hawk helicopters.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na unang nais ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay magkaroon ng 55 bagong helicopters, subalit ito ay nabawasan ng 15 habang ang bansa ay nahaharap sa COVID-19 pandemic.

Noong Enero 22, sinabi ni Pangulong Duterte sa tropa sa Sulu na nais niyang makumpleto ang decommission ng lahat ng Huey helicopters sa Phi­lippine Air Force’s (PAF) inventory dahil sa madalas na pagkakadawit nito sa fatal crashes, kabilang na ang insidente sa Bukidnon noong Enero 16.

Bago pa ang naging pahayag ng Pangulo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ay mayroon na itong existing procurement program para i-modernize ang fleet of helicopters ng PAF.

Kamakailan lamang, nag-commissioned ito ng first six ng 16 Polish-made Sikorsky S-70i Black Hawk helicopters na inorder noong 2019.

Ang natitirang 10 units ay inaasahang ide-deliver sa loob ng first quarter ng 2021.

AIR FORCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with