Baguio City mayor kakasuhan ang misis sa ‘di pagsuot ng face mask

Ang pahayag ng alkalde ay matapos patawan ng 72 oras ang The Mansion, ang lugar kung saan idinaos ang okasyon; kung bakit hindi dapat ito multahan at patawan ng parusa kaugnay sa mga nangyaring paglabag sa health protocols.
The STAR/Mong Pintolo, file

MANILA, Philippines — Nakatakdang kasuhan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang kanyang sariling misis dahil sa hindi pagsuot ng face mask noong piging sa kaarawan ng celebrity na si Timothy Yap kamakalawa.

Ang pahayag ng alkalde ay matapos patawan ng 72 oras ang The Mansion, ang lugar kung saan idinaos ang okasyon; kung bakit hindi dapat ito multahan at patawan ng parusa kaugnay sa mga nangyaring paglabag sa health protocols.

Aniya, gagamitin nilang ebidensiya sa kaso ang mga litratong na-upload sa social media kabilang na ang kuha ng kanyang misis na katabi ang artistang si KC Concepcion na kapwa walang suot na face mask.

“Na starstruck ang misis ko kay KC kaya nung habang kumakain kami, may humiling magpa-litrato at nakalimutan nilang dalawang isuot muli ang facemask,” paliwanag ng Mayor.

Gayunman, sinabi ni Magalong na “tao lang” ang mga lumabag at walang intensiyong hamunin ang batas.

Malaking tulong sa mga local artist at traders sa Baguio City ang pagpunta ni Yap na kilalang alagad ng sining upang doon idaos ang kaarawan.

Ayon kay Magalong, si Yap at kanyang grupo na inanyayahan ni dating Department of Tourism Regional Director Marie Venus Tan ay namakyaw ng mga likha ng local artist sa lungsod.

Sinabi ng Mayor na ang grupo ay dumaan sa itinalagang panuntunan ng lungsod sa pagpasok at pumasa sa Health triage.

Gayunman, ang batas ay batas at walang sinisino maging ang kanyang asawa dagdag ni Magalong na idiniin ang prinsipyong “leadership by example”.

Show comments