^

Police Metro

DOH: Wala pang local transmission ng UK variant sa Pinas

Danilo Garcia - Pang-masa
DOH: Wala pang local transmission ng UK variant sa Pinas
Ayon kay Dr. Althea de Guzman, Medical Specialist ng DOH Epidemiology Bureau, ang local transmission ay kapag nakapanghawa ang isang local case sa mga nakasalamuha nito.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Department of Health (DOH) sa kabila ng pagdedeklara na may local transmission na sa Bontoc province ng COVID-19  UK variant ay wala pang local transmission sa bansa ng bagong variant ng SARS-CoV-2  o COVID-19.

Ayon kay Dr. Althea de Guzman, Medical Specialist ng DOH Epidemiology Bureau, ang local transmission ay kapag nakapanghawa ang isang local case sa mga nakasalamuha nito.

Pero para matawag aniya na community transmission ay kinakailangan na hindi na ma-trace kung saan nahawa ang isang kaso.

Ayon kay de Guzman, hindi ito ang sitwasyon ngayon sa Bontoc.

Gayunman, kahit aniya anong variant o mutation pa ng COVID-19 ang mayroon ay mahalaga pa rin na panlaban sa virus ang mahigpit na pagsunod sa minimum public health standards gayundin ang striktong obserbasyon ng isolation at quarantine protocols ang tanging paraan para maiwasan ang pagtaas ng bilang ng mga kaso sa bansa.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with