Pinas malalagay sa ‘serious trouble’

Sinabi ng Pangulo na pinag-aaralan ng mga scientists at statisticians kung bakit patuloy na tumataas na posibleng sanhi ng mga nakaraang kumpulan ng mga mamamayan o kaya ay dahil sa paglabas upang magtrabaho.
The STAR/Michael Varcas, file

Kapag umabot na sa milyon ang kaso ng COVID-19…

MANILA, Philippines — Malalagay sa ‘serious trouble’ ang Pilipinas kapag umabot na sa milyun-milyon ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang pinanga­ngam­bahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t dapat patuloy ang pagdarasal dahil patuloy ang pagtaas ng kaso na mahigit na sa 500,000.

Sinabi ng Pangulo na pinag-aaralan ng mga scientists at statisticians kung bakit patuloy na tumataas na posibleng sanhi ng mga nakaraang kumpulan ng mga mamamayan o kaya ay dahil sa paglabas upang magtrabaho.

Aminado ang Pa­ngulo na walang bansa na maaa­ring pumigil sa paglabas ng lahat ng mamamayan maliban na lamang kung hindi na masugpo at ma­ging salot.

Sinabi rin ng Pangulo na posibleng gumamit na siya ng “draconian measures” upang manatili sa loob ng mga bahay ang lahat kung namamatay na ang mga tao sa mga kalsada.

Pero aminado rin ang Pangulo na magiging malaking problema ang kakainin lalo na ng mga mahihirap.

Muling binanggit ng Pangulo na makakatulong ang pagsunod sa protocols katulad nang paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng face mask.

Related video:

Show comments