^

Labi ng nawawalang NPA na estudyante, natagpuan na

Victor Martin (Pang-masa) - January 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang mahigit sa tatlong taon ay natunton na rin ang mga labi ng isang estudyante na sumapi sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos masawi sa isang engkuwentro at ibaon ng mga kasamahan sa isang liblib na lugar sa bayan ng Baggao Cagayan.

Nakilala ang nahukay na bangkay na si Justine Bautista alyas Aira, isang Medical Officer at Political Guide ng Northern Front Komiteng Rehiyon-Caga­yan Valley at dating estud­yante umano ng Cagayan State University.

Ayon sa ulat na ipinalabas ng 5th Infantry Division (5ID) ng Philippine Army na nakabase sa Gamu, Isabela, ang pagkadiskubre sa lugar kung saan inilibing ng mga rebeldeng NPA si Bautista ay dahil sa tulong ng isang dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan.

Ayon sa salaysay ng dating rebelde, inilibing ang bangkay ni alyas Aira matapos matamaan ng bala at tuluyang masawi nang salakayin ng mga rebelde ang kampo ng militar sa Barangay San Jose sa bayan ng Baggao noong June 25, 2017.

Matapos makumpirma ang lugar ay agad na pinangunahan ng tropa ng 501st Infantry Brigade ang paghuhukay sa masukal na bahagi ng Sitio Kapanisuwan, Barangay Bitag Grande sa nasabing bayan na sinaksihan naman ng opisyal ng nasabing lugar noong Sabado.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with