^

Pinas umangat sa ika-29 puwesto sa internet speed

Danilo Garcia (Pang-masa) - January 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) dahil sa direktiba ni Pangulong Duterte noong Hulyo 2020 na pabilisin ang pagkakaloob ng LGU permits kaugnay sa pagtatayo ng cellular towers.

Tumalon ng limang puwesto ang Pilipinas sa may pinakamabilis na internet speed sa 50 mga bansa sa Asya dahil sa mga repormang isi­nagawa nitong 2020.

Base ito sa ulat ng Ookla na nagsagawa ng Speedtest Global Index nitong Disyembre 2020.

Mula sa ika-34 puwesto, umangat ang Pilipinas sa ika-29 na puwesto sa 50 mga bansa sa Asya.

Umangat din ang Pilipinas sa ika-18 puwesto mula sa ranggong ika-22 sa 46 na bansa naman sa Asia Pacific.

Ito ay makaraang makakuha umano ang Pilipinas ng average mobile Internet speed na 22.50 megabits per second (Mbps) noong December 2020 kumpara sa 18.49Mbps noong  November 2020.

Sa kabuuang 118 million tests na isinagawa sa buong bansa kasama ang bawat  regions, cities at  municipalities- noong 2020, ang buwanang “increase in speed of 4Mbps for mobile” mula November hanggang  December ay itinuring na pinakamataas sa lahat ng naging monthly increase mula noong  July 2016.

Kapansin-pansin ang ang pagdami ng issuance of permits mula Hulyo hanggang Disyembre 2020 kumpara sa mga naisyu noong 2019 kaya’t dumami ang bilang ng cellular towers mula Hul­yo hanggang Disyembre 2020 na may kabuuang 2,939 nadagdag na to­wers at physical sites ang naitayo.

DICT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with