^

Trader na pinsan ng Masbate Gobernor itinumba

Jorge Hallare (Pang-masa) - January 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas ang isang negosyante na sinasabing pinsang buo ni Masbate Governor Antonio Kho matapos pagbabarilin kamakalawa ng hapon ng riding in tandem suspects sa Brgy. Pasiagon, Placer ng lalawigan.

Ang biktima na nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo ay kinilalang si Mark “Boboy” Tero, 40-anyos, binata, residente at may-ari ng malaking palaisdaan sa lugar.

Sa ulat, alas-2:20 ng hapon habang nakatayo sa kalsada ang biktima malapit sa kanyang bahay sa Brgy. Pasiagon nang biglang sumulpot ang hindi nakilalang mga gunmen na lulan ng hindi naplakahang motorsiklo at agad na pinagbabaril.

Makaraang bumulagta mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi malamang direksyon.

Agad namang isinugod ang biktima sa Cataingan District Hospital, pero namatay habang nilalapatan ng lunas.

RIDING IN TANDEM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with