

P60 milyong smuggled na sigarilyo, nasabat
MANILA, Philippines — Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port (MICP) ang pagpasok ng mga smuggled na sigarilyo sa bansa na aabot sa P60 milyong halaga.
Sa ulat ng BOC, Enero 18 nang pigilan nilang makalabas ng pier ang dalawang container vans mula sa China at patungo sana sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) zone sa Cavite.
Naka-consign sa YJC International Corporation na idineklara na ang laman ay mga plastic frames, round tubes, plastic bags, at plastic sheets.
Ngunit nang buksan ang container ay tumambad ang nasa 1,599 packages ng sigarilyo na may brand na Mighty at tinatayang aabot sa P60 milyon ang kabuuang halaga.
Naglabas ang BOC ng warrant of seizure and detention (WSD) para sa shipment dahil sa paglabag sa Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act(CMTA) at maging sa mga regulasyon ng National Tobacco Administration (NTA) at Bureau of Internal Revenue (BIR).
- Latest