^
8K saliva COVID-19 test maipo-proseso ng PRC kada araw
Ito ang inihayag ni da­ting Health Secretary Dr. Paulyn Ubial, head ng PRC molecular laboratories, kasabay nang pagsisimula kahapon nang paggamit nila ng saliva test sa pagtukoy ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Philippine Red Cross

8K saliva COVID-19 test maipo-proseso ng PRC kada araw

Mer Layson (Pang-masa) - January 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa hanggang 8,000 saliva COVID-19 tests ang ka­yang iproseso kada araw ng mga molecular laboratories ng Philippine Red Cross (PRC) sa Metro Manila.

Ito ang inihayag ni da­ting Health Secretary Dr. Paulyn Ubial, head ng PRC molecular laboratories, kasabay nang pagsisimula kahapon nang paggamit nila ng saliva test sa pagtukoy ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon kay Ubial, sa ngayon ay sa kanilang mga laboratoryo pa lamang sa Mandaluyong at sa Port Area, Manila available ang saliva tests, kung saan kaya aniya nilang iproseso ang hanggang 8,000 saliva samples.

Gayunman, madaragdagan pa aniya ang kanilang kapasidad sa susunod na buwan dahil dadalhin rin nila ang saliva COVID-19 testing sa mga probinsiya.

Sinabi ni Ubial na mayroon silang 10 laboratoryo sa mga lalawigan at inaasahan aniya nilang makakaya doong magproseso ng hanggang 22,000 saliva tests araw-araw.

Dahil dito, tinatayang aabot sa kabuuang 30,000 saliva tests ang kaya nilang isagawa simula sa buwan ng Pebrero.

COVID-19 PHILIPPINE RED CROSS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with