^
Kamara isinulong ang pagtatatag ng plasma banks sa mga ospital
Layon ng House Bill No. 8339 na magkaroon ng mga pasilidad sa mga ospital kung saan maaa­ring kumuha at maitago ang plasma, sa oras na magkaroon nito ay mas magiging madali at mapopromote ang plasma donation lalo na sa mga pas­yenteng gumaling mula sa COVID-19 na makatutulong sa mga pasyente na positibo sa virus.
Philippine General Hospital/Released

Kamara isinulong ang pagtatatag ng plasma banks sa mga ospital

Joy Cantos (Pang-masa) - January 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Camarines Sur Rep. Luis Lray Villafuerte ang isang panukala na magmamandato sa mga private at public hospitals na magkaroon ng sariling plasma banks.

Layon ng House Bill No. 8339 na magkaroon ng mga pasilidad sa mga ospital kung saan maaa­ring kumuha at maitago ang plasma, sa oras na magkaroon nito ay mas magiging madali at mapopromote ang plasma donation lalo na sa mga pas­yenteng gumaling mula sa COVID-19 na makatutulong sa mga pasyente na positibo sa virus.

Aniya, ilang pag-aaral na ang nagpatunay na malaki ang naitutulong ng convalescent plasma bilang treatment sa COVID patients, kung ang plasma ay available sa mga ospital ay mas maraming maasahang gagaling sa COVID.

Sa ilalim ng panukala ni Villafuerte ay ang Department of Health ang siyang mangangasiwa sa pagbuo ng Implementing Rules and Regulation sa donation at collection ng convalescent plasma, ang ahensya rin ang magtatakda ng criteria kung kailan maaari nang magbigay ng plasma ang mga pasyente na gumaling sa COVID.

KAMARA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with