^

Hotels sa Quezon City na ginagamit na quarantine facilities, pinababantayan

Mer Layson (Pang-masa) - January 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahigpit na pagbabantay at pagmomonitor sa mga hotels sa Quezon City na ginagamit bilang quarantine facilities para sa ‘Returning Filipino Workers (RFWs)’ o Overseas Filipino Workers (OFWs) na mula sa mga bansang iniulat na may mga kaso ng B117 variant o ‘high levels’ ng COVID-19 community transmission.

Inatasan ni Mayor Joy Belmonte ang Quezon City Police District (QCPD) na magtalaga ng mga pulis sa labas ng mga hotel upang matiyak na ang lahat ng naka-isolate doon ay makakatapos ng kanilang 14-day mandatory quarantine period.

Nais ng alkalde na hindi sila mapapalusutan ng mga naturang hotel sa pagtanggap ng mga bisita na labas sa itinatakda ng safety protocols.

Batay sa national and local health and safety guidelines, tanging four- at five-star hotels na accredited ng Department of Tourism (DOT) lamang ang maaaring tumanggap ng mga ‘staycation guests.’

Samantala, ang iba pang mga hotels at iba pang kahalintulad na establisimyento ay maaari lamang tumanggap ng long-term bookings at health care workers para sa akomodasyon malapit sa kanilang trabaho.

OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with