^
Price freeze sa karneng baboy, manok hiniling kay Duterte
Tumaas ang presyo ng manok at baboy sa mga palengke tulad dito sa Blumentritt Market dahil sa umano’y 2.6% inflation o pagtaas ng presyo ng iba pang bilihin kahit na maraming tao ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemic.
Edd Gumban

Price freeze sa karneng baboy, manok hiniling kay Duterte

Mer Layson (Pang-masa) - January 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng Department of Agriculture (DA) kay Pangulong Duterte na ipatupad ang tigil-galaw ng presyo baboy at manok sa gitna ng pagtaas ng presyo sa Metro Manila.

Batay sa isang mensahe ni DA Assistant Secretary for Strategic Communications Noel Reyes, kinumpirma nito na nagsumite ang ahensya ng resolusyon kay Pangulong Duterte ukol sa price freeze.

Nakipagkasundo rin ang DA sa Department of Trade and Industry, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at mga alkalde ng Metro Manila bantayang mabuti ang presyo ng mga bilihin sa mga pampublikong pamilihan.

Kasama sa price freeze na inirekomenda ng DA ang P270 kada kilo ng kasim pigue at P300/kg ng liempo. Habang P160 kada kilo naman ng manok.

Nitong Biyernes, pumalo sa P360 kada kilo ang pork kasim sa ilang palengke sa Metro Manila habang P400 kada kilo ang liempo na halos kahalintulad na sa presyo ng baka.

PRICE FREEZE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with