^
Lorenzana handa nang makipagpulong sa UP President
Ayon kay Lorenzana, naisip din niyang bigyan ng pagkakataon ang UP na ipaliwanag at sagutin ang kanilang mga katanungan sa ilang mga isyu.
The STAR/Michael Varcas, file

Lorenzana handa nang makipagpulong sa UP President

Doris Franche (Pang-masa) - January 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang matalakay ang accord abrogation  matapos na kumbinsihin ng mga tao na kanyang ni­rerespeto ay handa na si Defense Secretary Delfin Lorenzana na makipagpulong kay UP President Danilo Concepcion sa susunod na linggo.

Ayon kay Lorenzana, naisip din niyang bigyan ng pagkakataon ang UP na ipaliwanag at sagutin ang kanilang mga katanungan sa ilang mga isyu.

Pagkakataon na ito ng UP na ipakita sa pamahalaan na kaisa nila ito sa pagbibigay ng proteksiyon  sa bawat Pilipino at pagpapanatili ng kapa­yapaan sa bansa.

Una nang umapela si Concepcion sa DND na irekonsidera ang unila­teral abrogation na nagbabawal sa pagpasok ng mga pulis at sundalo sa UP campus ng walang koordinasyon sa pamunuan nito.

Sinabi ni Concepcion na walang malinaw na desisyon ang pamahalaan sa pagpuputol ng agreement na magdudulot lamang ng kalituhan sa mga pulis at militar.

Ngunit ayon kay Lorenzana, nais niyang ipaliwanag ng UP kung bakit may mga estudyante na nasasangkot sa ope­rasyon na nagreresulta ng kanilang  kamatayan.

DELFIN LORENZANA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with