^

Police Metro

13 utas sa shootout sa Maguindanao

Joy Cantos - Pang-masa
13 utas sa shootout sa Maguindanao
Sa ulat ng Maguindanao Police, kinilala ang nasawing target ng arrest warrant na si Datu Pendatun “Datu Pen” Talusan, dating chairman sa Brgy. Limbo ng bayang ito. Patay rin ang 11 na tauhan nito makaraang makipagbakbakan sa pulisya.
File

4 parak, 3 pang sibilyan sugatan

MANILA, Philippines — Nauwi sa madugong engkuwentro ang pagsisilbi ng warrant of arrest ng mga awtoridad laban sa isang dating barangay chairman matapos na 13 katao ang patay kabilang ang nasabing dating opisyal at isang pulis sa Brgy. Limbo, Sultan Kudarat, Maguindanao kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Maguindanao Police, kinilala ang nasawing target ng arrest warrant na si Datu Pendatun “Datu Pen” Talusan, dating chairman sa Brgy. Limbo ng bayang ito. Patay rin ang 11 na tauhan nito makaraang makipagbakbakan sa pulisya.

Si Talusan at lima pa sa mga kasamahan nito ay may warrant of arrest sa kasong robbery with murder, double frustrated homicide, frustrated murder, carnapping at illegal possession of firearms. Nasawi rin sa barilan si P/Sergeant Reynel Pido, miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Apat pang pulis at tatlong sibilyan ang nasugatan sa shootout na agad isinugod sa Cotabato Sanitarium Hospital.

Sa ulat kay Maguindanao Police Provincial Office director Col. Donald Madamba, bandang alas-3:30 ng madaling araw nang salakayin ng CIDG kasama ang Philippine Marines ang safehouse ni Talusan sa Brgy. Limbo, Sultan Kudarat upang isilbi ang warrant of arrest laban dito at sa kanyang mga kasamahan.

Gayunman, sa halip na sumuko ay agad pinaputukan ng grupo ni Talusan ang arresting team sanhi ng shootout na tumagal ng halos limang oras na ikinasawi nito at kanyang 11 na tauhan habang nagbuwis ng buhay ang naturang CIDG operative. - Rhoderick Benez

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with