^
16 katao tinamaan ng UK variant
Sa online press briefing, sinabi ni RITM director Dr. Celia Carlos na “premature” pa para sabihin na may local transmission na sa bansa kasunod ng pagkakatukoy sa 16 pang bagong kaso ng UK variant.
The STAR/Edd Gumban, file

16 katao tinamaan ng UK variant

Ludy Bermudo (Pang-masa) - January 24, 2021 - 12:00am

Local transmission premature pa — Experts

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng mga eksperto ng Research Institute for Tro­pical Medicine (RITM) at opisyal ng Department of Health (DOH) na hindi pa maituturing na may local transmission na ng bago at mas nakakahawang COVID-19 variant sa bansa matapos makumpirma ang 16 bagong kaso ng UK COVID variant kung saan dalawa dito ang walang travel history.

Sa online press briefing,  sinabi ni  RITM director Dr. Celia Carlos na “premature” pa para sabihin na may local transmission na sa bansa kasunod ng pagkakatukoy sa 16 pang bagong kaso ng UK variant.

Sinabi ni Carlos na may mga standards o pamantayang inilatag ang mga eskperto upang matukoy kung mayroong local transmission. Dapat aniya, na hintayin muna ang resulta ng imbestigasyon.

“Considering that investigation is ongoing it may be premature to say whether there’s an ongoing community transmission,” ani Carlos.

Sang-ayon naman si Dr. Edsel Salvana, miyembro ng Technical Advisory Group ng DOH, na nagsabing sa kasalukuyan, wala pang ebidensiya na may hawaan o community transmission dahil may isang cluster lang aniya ang masasabing magkaka-ugnay.

Nitong Biyernes ng gabi nang ihayag ng DOH na may 16 na nakumpirmang bagong kaso ng COVID-19 variant sa bansa, na nagdala sa kabuuang 17.

DOH RITM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with