^

Police Metro

Swab test sa ika-5 araw na pagdating ng biyahero

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniatas na ng Inter-Agency Task Force against CO­VID-19 ang pagsasailalim sa swab test sa ikalimang araw na pagdating ng mga biyahero mula sa ibang bansa.

Agad din nilinaw ni Presidential spokesman Harry Roque na ito ay bukod pa  sa mandatoryong pagsasailalim sa swab test pagdating ng mga biyahero mula sa mga 34 bansang pinatawan ng travel restriction ng Pilipinas.

Sa panibagong protocol, ang mga darating sa bansa ay mananatiling nakakwarantin hanggang sa makuha nila ang resulta ng swab test na kukunin sa ikalimang araw sa bansa.

Ang hakbang na ito ay bilang pagtindi pa ng paghihigpit ukol sa UK variant ng COVID-19 na sinasabing mas nakahahawa matapos na makapasok sa bansa ang UK variant ng COVID-19 at magpositibo nito ang isang 29-anyos na lalaki na nanggaling sa Dubai na nagnegatibo sa unang test, subalit kinalaunan ay nagpositibo na ito matapos ang re-swabbing.

vuukle comment

SWAB TEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with