^

Police Metro

10-anyos papayagan nang lumabas sa MGCQ areas

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni Presidential spokesman Harry Roque, na pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na makalabas ng bahay ang mga 10 taong gulang hanggang 65 anyos  sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community qua­rantine (MGCQ).

Pero, kailangang ma­natili  sa kanilang mga bahay ang 10-anyos pababa at 65-anyos pataas.

Ang desisyon ng IATF ay dahil sa kahi­lingan ng Department of Trade and Industry (DTI) na pababain ang edad ng mga papayagang makalabas ng bahay para sumigla ang ekonomiya ng bansa.

Ang nasabing kautusan ay ipapatupad sa Pebrero 1,2021.

Habang hinikayat din ng IATF ang Local go­vernment units (LGUs) na nasa ilalim pa ng ge­neral community quarantine (GCQ) na sumunod sa nasabing panuntunan.

Inihayag naman ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na dapat sabayan ng mahigpit na pagsunod sa health protocol upang maiwasan ang peligro ng pagkakahawa o pagkalat ng COVID-19 sa bansa. - Ludy Bermudo

vuukle comment

MGCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with