^

Police Metro

Planong gawing institusyon ang DND-UP haharangin ni Lorenzana

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kahit makaabot pa sa Korte Suprema ang planong institutionalization DND-University of the Philippines (UP) Agreement of 1989 ay tutulan ito ni Defense (Secretary Delfin Lorenzana.

Ayon kay Lorenzana, hindi na maituturing pang  agreement ang isang kasunduan kung gagawin itong permanente at sa halip ito ay magiging isa  nang  batas. 

Ang aksiyon ni Lorenzana ay bunsod ng pahayag ni Senator Joel Villanueva na naghain siya ng Senate Bill 2002 institutionalizing the essence of the agreement sa pagitan ng UP at ng DND.

Layon ng nasabing bill na amyendahan ang Republic Act 9500 o ang UP Charter Act of 2008 na nagsasaad na kailangang abisuhan ang pamunuan ng UP sa pagpasok ng mga pulis at militar sa mga campus.

Paliwanag ni Lorenzana, mahabang taon na umanong nagamit ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang UP campus sa  recruitment ng mga makakaliwa upang lumaban sa pamahalaan.

Ikinokonsidera rin ni Lorenzana na obsolete na ang agreement kaya mas makabubuting putulin at itigil na ito.

vuukle comment

UP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with