^

Police Metro

Panukalang magsususpinde sa SSS contribution hike aprub na sa Kamara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaprubahan na sa komite ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang ipagpaliban muna ang pagtataas ng kontribusyon ng Social Security System (SSS) ngayong Enero 2021.

Sa virtual na pagdinig ng House Committee on Government Enterprises and Privatization sa pamumuno ni Parañaque City Rep. Eric Olivarez, pinagtibay ang panukala na ipagpaliban muna ngayong buwan ang pagtataas ng buwanang kontribusyon sa SSS ng 13 % sa suweldo ng mga mi­yembro nito mula sa da­ting kinokolektang 12 %.

Nagkasundo ang ko­mite na gawing working bill ang House Bill 8317 na inihain ni Speaker Lord Allan Velasco at i-consolidate na lamang ang iba pang panukala.

Alinsunod dito ay aamyendahan ang Section 4, A-9 ng Social Security Act of 2018 upang bigyang kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang nakatakdang pagtataas sa kontribusyon sa panahon na nahaharap sa national emergency ang bansa.

Sa ilalim ng Social Security Act (SSA) ng 2018, ang SSS ay magtatakda ng pagtataas ng buwanang kontribusyon ng mga miyembro nito para sa long-term viabi­lity ng pension fund at pagtataas ng benepisyo.

vuukle comment

SSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with