_pang-masa
^

Bicol International Airport matatapos ngayong taon

Joy Cantos (Pang-masa) - January 22, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arturo Tugade na matatapos ngayong taon at mapapasimulan agad ang operasyon ng P4.8 bilyon Bicol International Airport (BIA) sa Daraga, Albay.

Ito ang sinabi ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda matapos na tiyakin sa kanya kamakailan ni Tugade na tatapusin nila ang BIA ngayong taon.

Sa talaan ng DOTr nitong nakaraang Enero 13, 2021, mga 72.2% nang tapos ang BIA at mabilis ang paggawa nito dahil isa ito sa mga prayoridad sa ilalim ng progra­mang ‘Build, Build, Build’ ng administrasyong Duterte.

Ang BIA ay itinuturing na “Most Scenic Gateway” o pinakamagandang pasukan sa Pilipinas dahil sa alindog ng kilalang Bulkang Mayon sa hindi kalayuan. Inaasahang malaki ang maiaambag nito sa pagbangon mula sa pagkakalugmok dulot ng pandemyang Covid-19, lalo nang pinadapang ‘aviation industry,’ at pagsulong ng matibay na pambansang ekonomiya.

 Sa balangkas, tinatayang dalawang milyong pasahero ng eroplano ang mapagsisilbihan ng BIA taun-taon.

AIRPORT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with