LGUs pinaghahanda sa local vaccination plan
MANILA, Philippines — “Maghanda ng kani-kanilang local vaccination plan, alinsunod sa itinatakda sa guidelines na inilabas ng Department of Health (DOH) para sa National Vaccination Program at masusing makipag-ugnayan sa kani-kanilang DOH-Centers for Health Development.”
Ito ang panawagan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya matapos mag-isyu ang DILG ng Memorandum No. 2021-007 kung saan inaatasan ang mga LGUs na bumuo ng vaccination plan na naglalaman ng paghahanda ng risk communication plans at pagsasagawa ng early Vaccine Communication Campaign upang maipabatid sa mga residente ang mga mahahalagang impormasyon hinggil sa COVID-19 vaccination.
Ang naturang plano ay dapat rin umanong may kasamang master list ng mga priority eligible vaccinee population; pagtukoy sa mga posibleng vaccine centers, available cold chain storages, at iba pang logistical requirements; gayundin ng master list ng existing human resources at personnel na kakailanganin para sa vaccination program.
- Latest