NTC nagpalabas ng show cause orders vs child pornography
MANILA, Philippines — Isang show cause order ang inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC) para sa mga internet service providers (ISPs) upang magpaliwanag sa patuloy na paglaganap ng child pornography.
Ang SCO ay dahil sa hindi pa rin umano nagkakabit ng angkop na teknolohiya, software o program ang mga ISPs para maharang ang mga porn websites makaraan rmismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang mag-utos sa NTC na patawan ng parusa ang mga ISPs.
Bukod sa ‘written explanation’, kailangan din na dumalo sa mga pagdinig ang mga kinatawan ng mahigit 500 ISPs sa buong bansa simula sa Pebrero upang hindi sila mapatawan ng ‘administrative sanction.’
Ipinaliwanag nila na sa kabila na kaya nilang harangin ang access sa mga websites na ito, kailangan rin ng tulong ng pamahalaan sa pagdakip sa mga kriminal na gumagamit ng internet sa pag-abuso sa mga bata para tuluyan na itong matigil.
Isang teknolohiya na rin ang kanilang dini-debelop para otomatikong matutukoy ang anumang ‘child pornography content’ at mahaharang o hindi maa-access ang isang website kahit na lehitimo ito.
- Latest