^

Economic cha-cha aakit ng foreign investors

Joy Cantos (Pang-masa) - January 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malaki ang paniniwala ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee na  aakit ng marami at malalaking dayuhang investors na lilikha ng mga trabaho sa Pilipinas sa panukalang pag-amyenda sa ‘economic provisions sa Saligang Batas na nakapaloob sa ‘Resolution of Both Houses (RBH) No. 2 ng Kamara at Senado na kasalukuyan nang tinatalakay.

Ayon kay Salceda na sadyang tama ang panukalang pag-amyenda sa ‘economic provision’ ng Konstitusyon o ‘econo­mic cha-cha dahil bil­yong piso na ang nalugi sa sobrang mga nakasasakal ng probisyon ng Saligang Batas na madali naman sanang lunasan sa pamamagitan ng akmang batas na magbubukas ng mga industriya sa dayuhang pamumuhunan.

Kung mapagtitibay ang panukalang amyenda ngayong taon, tinatayang mga P211.21 bilyong ‘foreign direct investments’ (FDI) ang papasok kaagad sa Pilipinas, katumbas ng 0.55% dagdag na ‘gross domestic product’ (GDP) na lilikha ng mga  422,470 trabaho sa bansa sa 2022.

CHARTER CHANGE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with