2 pulis-EPD nagpositibo sa droga, sibak
MANILA, Philippines — Agad na sinibak sa puwesto ang dalawang pulis ng Eastern Police District (EPD) matapos na magpositibo sa illegal drugs.
Kinilala ni PNP chief General Debold Sinas ang mga pulis na sina Patrolman Arnel Agustin, ng EPD-District Human Resource and Doctrine Development Office; at Corporal Regie Alilano, na beat patroller sa Pasig Police Sub Station 6.
Ayon kay Sinas, ang dalawa ay kasama sa 76 personnel na sumailalim sa random drug test noong Enero 13. Positibo ang mga ito sa shabu. Dinisarmahan na rin ang dalawang pulis na nasa restrictive custody habang isinasagawa ang pre-charge investigation at summary dismissal proceedings.
- Latest