^

Police Metro

Duterte magpapabakuna sa ‘hidden area’

Gemma Garcia - Pang-masa

Gagayahin si Queen Elizabeth

MANILA, Philippines — Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa isang tagong lugar magpaturok ng bakuna sa sandaling duma­ting na sa bansa ang COVID-19 vaccine.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Roque na gagayahin ng Pangulo ang ginawa nina Queen Elizabeth at kanyang asawa na si Prince Philip na nagpabakuna sa isang pribadong lugar.

Sinabi umano ng Pangulo na walang problema na magpabakuna kung dumating na ito sa bansa dahil kailangan niya ito pero hindi na umano ito kailangang ipakita pa sa publiko tulad umano ni Queen Elizabeth at kanyang asawa na naging pribado ang pagtuturok sa kanila ng bakuna.

Noong Agosto 2020, sinabi ni Pangulong Duterte na handa siyang magpabakuna kontra COVID-19 para patunayan ang efficacy at kaligtasan nito na ang tinutukoy ay ang Sputnik V ng Russia. Subalit kumambyo ang Pangulo matapos na makuha ang gobyerno ng supply ng bakuna sa Sinovac ng China at sinabing silang mga opisyal ang huling magpapabakuna.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with