^

Police Metro

3 guerilla front ng NPA sa CALABARZON, nabuwag

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong NPA guerilla fronts sa Southern Tagalog ang nabuwag ng Philippine Army 2nd Infantry “Jungle fighter” Division.

Ito ang inihayag ni 2nd ID commander, M/Gen Greg Almerol at dahil dito ay epektibong nawakasan ang terrorist activity ng NPA sa CALABARZON.

Sa nakalipas na taon, umaabot sa 13 NPA guerilla fronts ang nabuwag ng AFP sa iba’t ibang panig ng bansa.

Binigyan naman ni AFP chief staff Gen. Gilbert Gapay ang militar ng hanggang sa katapusan ng 2021 para lansagin ang nalalabing 54 na guerilla fronts ng NPA.

Ang mga guerilla fronts ang NPA unit na responsable umano sa pangingikil, pagpatay sa mga opisyal ng gobyerno, pulis at sundalo, pangha-harass sa mga negosyante at paninira ng mga flagship projects.

Umaasa naman ang militar na ang mga na­titira pang miyembro ng NPA ay sumuko na lamang sa pamahalaan para makapagsimula ng bagong buhay.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with