^

Nagpapakalat ng fake news, i-lethal injection

Gemma Garcia (Pang-masa) - January 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nais ni Sen. Bong Go na unang maturukan ng bakuna pero hindi kontra sa COVID-19 kundi ng lethal injection ang mga taong nagpapakalat ng impormasyon at nagsasamantala sa ating mga kababayan sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa sa pandemya.

Sinabi ni Go na susuportahan niya ang panukala na magpaparusa sa mga indibidwal na nagpapakalat ng mga maling impormasyon at nagsasamantala sa vulnerabilities ng Filipino sa kasalukuyang  COVID-19 pandemic.

Idinahilan ang maselang isyu kung saan ay maraming buhay ang nakataya, sinabi ni Go na ang mga taong nagsasamantala sa kapwa Filipino sa pamamagitan ng pagpapakalat ng maling impormasyon ay dapat mapatawan ng mabigat na parusa o death penalty.

“Bukod sa COVID-19, nakakamatay din ang maling balita. Kung gusto talaga natin na magkaroon ng kumpiyansa ang tao sa bakuna, kailangan nilang maintindihan kung ano ito at ano ang plano ng gobyerno ukol dito. Linawin natin ang mga isyu tungkol sa mga binibiling bakuna ng gobyerno,” wika ni Go.

Sinabi niya na ang bawat isa ay dapat ma­ging bahagi ng solusyon kaya kinakaila­ngang maging responsable kung nais nating makabangon mula sa pandemya.

FAKE NEWS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with