^

ACT-CIS babantayan ang paggasta ng pondo

Doris Franche (Pang-masa) - January 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ni ACT-CIS Partylist at Benguet caretaker Representative Eric Yap ang kanyang commitment na bantayan ang matuwid na paggasta ng pondo ng mga mamamayan.

Ito ay kasunod nang pagpapatibay ng General Appropriations Act for FY 2021 at dalawang iba pang pamamaraan na nagpapalawig sa vali­dity ng 2020 GAA at ng Bayanihan 2.

Ayon kay Yap, ang responsibilidad niya bilang pinuno ng Appropriations Committee ng Kongreso ay hindi nagtatapos sa pagpapatibay ng budget.

Aniya, bukod sa kanyang regular committee work, binabantayan rin niya kung paano ginagamit ang budget sa buong taon.

“Itong dalawang batas na ito ipinasa para tulungan ang ating mga kababayan na higit na naapektuhan ng pan­demya, lalo na yung mga nawalan ng hanapbuhay at walang panggastos para sa pamilya. If we uncover proof of corruption and irregularities, heads should roll,” pahayag pa ng partylist solon.

ERIC YAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with