^
Dialysis ng Pitmaster, ibababa na sa mga barangay
Sina DILG Usec. Martin Diño (kaliwa) at Pitmaster Foundation Exec. Director Caroline Cruz matapos magpirmahan ng kasunduan.

Dialysis ng Pitmaster, ibababa na sa mga barangay

Mer Layson (Pang-masa) - January 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpirmahan ng isang memorandum of agreement ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang Pitmaster Foundation Inc. para sa isang kasunduan na ipagbibigay-alam ng DILG sa bawat barangay ang libreng dialysis treatment na handog ng nasabing foundation.

Kaya’t hindi na poproblemahin pa ng mga taong may sakit sa bato at mula sa malalayong probinsiya at mga liblib na mga barangay kung saan sila kukuha ng pambayad para magpa-dialysis.

“Ito po ay commitment ng aming grupo na tumulong sa mga kababayan natin na hindi kayang magpa-dialysis dahil sa kahirapan,” wika ni Pitmaster Foundation Executive Dir. Caroline Cruz.

Pinasalamatan naman ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño ang Pitmaster at irerekomenda ng mga local government units ang mga magpapa-dialysis sa pinakamalapit na dialysis center sa kanilang lugar.

DIALYSIS DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with