^

Pagbabakuna sa Maynila, ‘di sapilitan — Isko

Ludy Bermudo (Pang-masa) - January 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Manila City Mayor Isko Moreno na hindi magiging sapilitan ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa mga Manilenyo.

Ayon kay Moreno, maaaring pumili kung ayaw o gusto ng mga taga-Maynila dahil wala namang batas na nag-oobligang mabakunahan ang bawat isa at ang nakalaang bakuna ay ibibigay sa mga boluntaryong babakunahan.

Nanawagan din ang alkalde sa lahat ng gustong magpabakuna na magrehistro  online. Pero niliwanag din ni Moreno na ang mga hindi nakapagrehistro ay maaari pa rin na makapagpabakuna sa pamamagitan ng walk-ins.

Gayunman, ipinaliwanag ng alkalde na ang mga gustong magpabakuna na hindi nakapagparehistro online ay gugugol ng oras dahil kailangan pa silang interviewhin at kunan ng mga kailangang impormasyon, hindi tulad ng mga nagrehistro online na nakapagbigay na ng kailangang detalye.

Base sa mga napag-usapang plano nila ni Vice Mayor Honey Lacuna, ang mass vaccination ay gagawin sa mga eskwelahan upang mas marami ang mabakunahan

 Tiniyak pa ng alkalde na ang pamahalaang lungsod ay hindi gagamit ng bakuna na hindi duly certified ng Food and Drugs Administration (FDA) bilang ligtas at epektibo.

VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with