^

No.1 most wanted sa NCR timbog sa Parañaque

Joy Cantos (Pang-masa) - January 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nalambat na ang itinuturing na No. 1 most wanted criminal sa National Capital Region (NCR) matapos ang ikinasang “Oplan Pagtugis at Saliksik” ng intelligence operatives ng Northern Police District (NPD) sa lungsod ng Parañaque kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na tinanggap ni PNP Chief P/Gen. Debold Sinas, kinilala ni NPD Director P/Brig. Gen. Eliseo Cruz ang nabitag na most wanted  na si Ronnie Bolista, 37 at residente ng 2 Adelpa St. Tanza 1, Navotas City.

Dakong alas-6 ng gabi  nang masakote ang suspect sa manhunt ope­ration ng NPD–District Intelligence Division sa ilalim ng superbisyon nina P/Lt. Col. Allan Umipig at P/Maj. Herman Panabang sa Sto. Niño St., San Antonio Valley 6, Brgy. San Isidro, Parañaque City katuwang ang NPD-DID Tracker Team ang NCRPO-Intelligence at Regional Intelligence Unit.

Ang operasyon ay isinagawa ng mga operatiba sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Pedro Dabu ng Malabon Regional Trial Court-Branch 170 sa kasong double murder at frustrated murder kung saan walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang pag­laya ng suspect.

WANTED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with