
Pamamahagi at access sa bakuna, gawing patas — CHR
MANILA, Philippines — Kasunod ng pag-uunahan ng mga lokal na pamahalaan na makabili ng bakuna, nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa pamahalaan na tiyaking magiging patas at pantay ang pamamahagi at access ng mamamayan sa COVID-19 vaccines.
Ang panawagan ay ginawa ni CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana dahil sa may mga local government units (LGUs) sa urban centers at metropolitan areas ay nakapila at nag-uunahan para makabili ng bakuna.
Sinabi ni Gana na responsibilidad ng pamahalaan na matiyak na ang bakuna ay makakarating sa mga urban cities gayundin sa malalayong lugar sa bansa lalo na sa mga lugar na maraming kaso ng COVID-19
“There may be local government units with a host of infected residents who may not have resources to urgently procure vaccines. The national government must step in to maintain a balanced access to the COVID-19 vaccines,” dagdag ni Gana.
Aniya, ang bawat mamamayang Pilipino ay may karapatan na magkaroon ng maayos na kalusugan kasama na ang pagsasama sa bawat isa sa vaccination program ng gobyerno.
- Latest